Espenido at 3 iba pa, humarap sa DOJ

By Khyz Soberano August 16, 2017 - 05:23 AM

Kuha ni Khyz Soberano

Humarap sa Department of Justice ang hepe ng Ozamiz City police na si Chief Inspector Jovie Espenido at tatlong iba pang pulis na sina Chief Insp. Glyndo Lagrimas, SPO4 Renato Martir jr. At Police Officer 1 Sandra Louise Nadayag para sa reklamong murder at arbitrary detention na isinampa laban sa kanila.

Ito ay kaugnay ng kanilang police operation na naging sanhi ng pagkakapatay ng siyam na hinihinalang kriminal at pagkakaaresto ng anim pang suspek sa Cabinti at Balintawak Village sa Ozamis City noong June 1.

Isinampa ni Carmelita Manzano, kamag-anak ng isa sa mga napaslang sa insidente ang reklamo kay Espinido at sa tatlo pa nitong tauhan.

Giit ni Espenido, bagaman natanggap na nila ang subpoena ay hindi naman sila nakatanggap ng affidavit of complaint kaya’t kinailangan pa nilang pumunta ng DOJ. Dahil dito, hindi sila nakapagsumite ng kontra salaysay.

Humingi na lamang si Espenido kay Prosecution Attorney Loverhette Jeffrey Villordon ng hanggang alas-2:00 ng hapon ng August 29 para makapagpasa ng counter-affidavit kaya’t kanselado muna ang nakatakdang pagdinig sa August 22.

Itinuro ni Espenido na ang mga Parojinog ang nasa likod ng pagsasampa sa kanila ng kaso.

Magsusumite umano siya ng motion for reconsideration kung maaring ang Regional Trial Court na lamang sa Cagayan ang humawak ng pagdinig dahil malayo sa kanila ang DOJ dito sa Maynila.

Dagdag pa niya, hihingi siya ng tulong kay Philippine National Police Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa ukol sa pagharap ng kasong ibinibintang sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub