Mga mamamasada na Uber, pagmumultahin ng LTFRB

By Jan Escosio August 15, 2017 - 10:12 AM

Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaring pagmultahin ng hanggang P120,000 ang Uber partners na mahuhuling pumasada sa kabila ng suspension order.

Kasabay nito, sinabi pa ni LTFRB board member and spokesperson Aileen Lizada na mai-impound din ng tatlong buwan ang sasakyan ng mahuhuling pumapasadang Uber partner.

Giit ni Lizada, dapat ay down na ang sistema ng naturang transportation network company dahil malinaw na nakasaad sa inilabas nilang suspension order na cease and desist na ang operasyon nito.

Ibinahagi nito na sila mismo ang nakapagpatunay na nilabag ng Uber ang kanilang July 26 order na nagbabawal muna sa pagtanggap ng mga bagong application.

Aniya tatlong sasakyan ang nagawa nilang maipasok sa Uber sa pamamagitan ng online application.

 

 

 

 

TAGS: ltfrb suspends uber, suspension, Uber, ltfrb suspends uber, suspension, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.