Anak ni Randy Santiago, pumanaw sanhi ng karamdaman
Pumanaw na ang anak ng singer-actor na si Randy Santiago na si Ryan Leonardo sa edad na 24-anyos.
Ito ang kinumpirma ng kapatid ni Randy na si Reily Santiago.
Ayon kay Reily, nagkaroon ng rare brain disease at multiple sclerosis ang anak ni Randy.
Noong taong 2015 nang ma-diagnose ito na may ‘fungal virus’ at na-confine sa intensive care unit sa isang ospital.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang mga kasamahan sa showbiz ni Randy na sina Martin Nievera at Angeli Valenciano.
Naiwan ni Ryan Leonardo ang kanyang ama na si Randy, ina na si Marilou at dalawang kapatid na sina Raphael at Raiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.