Bumagsak na sa P51.08 kada isang dolyar ang foreign exchange rate sa pagsasara ng trading kahapon.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na pumalo sa lampas singkwenta’y uno pesos ang palitan ng piso sa dolyar simula nang maitala ang P50.98 na palitan noong Byernes.
Ito na ang itinuturing na pinakamababang antas ng piso sa loob ng labing-isang taon.
Huling bumagsak sa mahigit singkwenta’y uno pesos ang palitan ng piso sa bawat isang dolyar noong August 2006.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang patuloy na tensyon sa North Korea at Amerika ang humihila ng halaga ng piso.
Sa kabila nito, naniniwala ang BS at maging ang Malacañang na hindi na tuluyang bubulusok ang halaga ng piso sa mga susunog na panahon bunga ng malakas na ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.