Mga meat inspectors dapat dagdagan pa ayon sa isang kongresista

By Erwin Aguilon August 14, 2017 - 04:37 PM

Inquirer file photo

Hinikayat ni Mindoro Occidental Rep. Josephine Ramirez-Sato ang pamahalaan na maglagay ng mga tauhan sa mga pamilihan upang matiyak ang na maibenta ang mga karneng kontaminado ng avian flu virus.

Sinabi ni Sato na dapat magpakalat ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service sa mga pamilihan upang suriin ang mga karne ng manok na ibinebenta upang hindi rin ma-expose ang publiko.

Hindi anya dapat maging kampante ang iba pang ahensya ng pamahalaan kahit pa siniguro na ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry na hindi nakakahawa sa tao ang uri ng virus na nakakaapekto sa manok, pato at iba pang kauri nito.

Nais din ni Sato ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng DA, NMIS, BAI, DOST at DOH na magkaroon ng malawakang assessment kung gaano kalawak ang epekto ng avian flu sa bansa.

Kailangan din anyang magkaroon ng masusing pag-aaral at plano ang pamahalaan upang maiwasan na ang ganitong uri ng virus na nakasisira sa poultry, swine at cattle industry.

TAGS: avian flu, Bird Flu, NMIS, sato, avian flu, Bird Flu, NMIS, sato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.