Bentahan ng manok sa mga palengke, matumal na dahil sa bird flu scare
Naging matumal ang bentahan ng manok sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa bird flu virus.
Sa Kayamanan-C, Talipapa sa Taguig, aminado ang mga tindero at tindera na ang ibinebenta nilang manok ngayon ay tira pa noong suplay nila nung Sabado at wala pa silang bagong kinukuhang suplay.
Hindi kasi umano naubos ang kanilang panindang manok nitong weekend dahil kaunti lang ang bumibili.
Sa Guadalupe Market naman sa Makati, matumal din ang bentahan ng manok. Ayon kay Mang Junmar, isa sa mga nagtitinda ng manok sa palengke, kadalasan, kapag Lunes ay marami sa kaniyang mga suki ang bumibili.
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 14, 2017
Bentahan ng manok sa Guadalupe Market, matumal | @jescosioINQ pic.twitter.com/0yCP6Hl0Vf
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 14, 2017
Pero kung dati-rati, pagsapit ng alas 7:00 ng umaga ay sampung suki na niya ang ang bumibili ng kilo-kilong mga manok, ngayon ay limang suki lang niya ang maagang namili.
Nasa P140 hanggang P150 ang presyohan ng manok sa Guadalupe Market.
Sa Nepa Q-Mart naman, bumaba na sa P120 hanggang P130 ang presyo ng kada kilo ng manok.
Ang mga nagnenegosyo ng karinderiya, kung dati ay 10 hanggang 15 kilo kung bumili ng manok sa Nepa Q-Mart, ngayon ay nasa 5 hanggang 7 kilo na lang ang kanilang binili.
Presyo ng manok sa Nepa Q Mart, bumaba na | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/NdyBzhOtox
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 14, 2017
DTI, mag-iinspeksyon sa Nepa Q Mart para alamin ang presyo ng poultry products | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/Zs6K84NMtl
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 14, 2017
Panawagan naman sa publiko ng mga nagnenegosyo ng manok, huwag mangamba sa kaso ng bird flu na natuklasan sa San Luis, Pampanga.
Isolated umano ang kaso, at maliit na maliit na porsyento lang ng industriya ng manok ang apektado.
Narito ang report ni Jan Escosio:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.