3 landmines, narekober sa S. Cotabato

By Kabie Aenlle August 14, 2017 - 04:21 AM

Narekober ng otoridad ang tatlong landmines sa isang bukid sa Banga, South Cotabato.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo Jr. ng Soccksargen police, nadiskubre ng mga residente ang mga claymore mines sa isang mababaw na hukay na tinabunan ng lupa at mga tuyong damo.

Rumesponde ang mga pulis at bomb experts sa lugar para idispatsa ang mga nasabing bomba na sinasabing itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon kasi sa pulisya, malakas ang presensya ng NPA sa mga liblib na bahagi ng nasabing lugar, at matatandaang ilang beses na ring gumamit ang NPA ng landmines para umatake sa mga sundalo at sibilyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.