7 pulis Navotas, sumuko matapos madawit sa pangingikil sa isang drug suspect

By Kabie Aenlle August 14, 2017 - 04:21 AM

 

Sumuko sa Counter Intelligence Task Forice (CITF) ng Philippine National Police (PNP) ang pitong pulis na umano’y nangikil ng pera sa pamilya ng isang drug suspect.

Nakilala ang mga pulis na sina PO1 Emmanuel Benedict Alojacin, Mark Ryan Mones, Christian Paul Bondoc at Jack Rennert Etcubañas, kasama sina PO2 Jonnel Barocaboc, Jessrald Pacinio at PO3 Kenneth Loria na pawang mga mula sa Navotas police.

Ayon sa CITF, nagsumbong sa kanila ang ina ng isa sa dalawang inaresto ng mga nasabing pulis sa isang anti-drug operation sa Malabon City noong Biyernes.

Ginamit kasi ng mga pulis ang cellphone ng isa sa kanilang mga inarestong drug suspects para tawagan ang ina nito at humingi ng P100,000 kapalit ng kalayaan ng anak nito.

Nagbanta pa umano ang mga pulis na papatayin ang mga drug suspects, kaya nagdesisyon ang ina na magsumbong agad sa CITF sa mismong araw rin na iyon.

Ito ang naging basehan ng CITF para magsagawa ng entrapment operation, ngunit hindi naman sumulpot ang mga ito.

Gayunman, kusa namang sumuko ang mga pulis sa CITF pagdating ng gabi ng Sabado matapos nilang makumpirma ang pagkakakilanlan nito sa tulong ng Northern Police District sa isang follow-up operation.

Inihahanda naman na ng CITF ang mga kasong isasampa sa pitong pulis, habang pinalaya naman na ang kanilang mga inaresto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.