Ex-GM ng PNR, pinagmulta dahil sa hindi pagre-remit ng GSIS contributions
Pinagmumulta ng Sandiganbayan si dating PNR General Manager Jose Ma. Sarsola II matapos hindi makapag-remit ng Government Service Insurance System premium contributions ng PNR employees sa loob ng 49 na buwan.
Hindi na-remit ni Sarsola ang aabot sa P 52,002.27 na kontribusyon na nagresulta para pagmultahin siya ng halagang aabot sa P245,000.
Ayon sa anti-graft court ng Second Division ng Sandiganbayan, guilty si Sarsola sa paglabag sa Republic Act 8291, o ang Government Service Insurance Act of 1997.
Nauna nang naghain ng ‘not guilty plea’ ang dating general manager ngunit agad na binawi ito matapos ang rearraignment.
Ayon sa korte, mas naging mababa ang multa ni Sarsola matapos makipagbargin sa mga ombudsman prosecutor.
Ang mga kontribusyong hindi nairemit ay mula sa pumanaw ng empleyado na si Benjamin Guinto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.