Pag-talaga ng opisyal sa BOC, dapat magkaroon na ng criteria

By Kabie Aenlle August 14, 2017 - 04:24 AM

 

Nagbabalak ang Kamara na bumuo ng criteria para sa mga itatalagang opisyal sa Bureau of Customs (BOC) upang maiwasan nang mapunan ang mga posisyon ng mga taong kulang sa kaalaman sa ahensya.

Ayon kay House ways and means committee chair Rep. Dakila Carlo Cua, kailangang pawang mga tauhan na maalam sa “highly technical details” sa kawanihan lang ang maitalaga bilang mga opisyal.

Aniya, kailangang magkaroon ng criteria sa mga opisina kung saan hindi pwedeng hindi mo alam ang sistema.

Bagaman naniniwala si Cua na isang “tough military man” si Customs Commissioner Nicanor Faeldon at hindi madaling masindak, hindi ito sapat dahil kailangan talaga ng isang taong tunay na nakaka-unawa sa sistema.

Kasabay nito ay nais rin imungkahi ng komite na magkaroon ng “overhaul” o “revamp” sa BOC oras na lumabas na ang resulta ng kanilang imbestigasyon tungkol sa pagkakapuslit ng P6.4 halaga ng iligal na droga sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.