BSP tiwalang hindi tuluyang lulugmok ang halaga ng piso kontra dolyar

By Jay Dones August 14, 2017 - 04:23 AM

 

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi tuluyang bubulusok ang halaga ng piso kontra dolyar sa kabila ng pagbagsak nito noong nakaraang Linggo.

Noong nakaraang Byernes, bumagsak sa intraday level na P51.08 kada isang dolyar ang palitan ng piso bago ito nagsara sa P50.98 kada isang dolyar.

Halos maabot na nito ang pinakamababang antas na naitala noong August 29, 2006 sa halagang P51.05 kada isang dolyar.

Ngunit ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., natural lamang ang pagbaba ng halaga ng piso dahil sa kondisyon ng merkado at panandaliang epekto ng sitwasyon sa pagtaas ng tensyon sa North Korea at Amerika.

Nananatili rin aniyang malakas at solido ang economic fundamentals ng PIlipinas kaya’t naniniwala itong mananatiling matatag ang piso.

Kanya ring inaasahang magbabago ang sitwasyon ng piso kontra dolyar sa oras na mawala na ang pangamba ng merkado sa sitwasyon sa Korean Peninsula.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.