49 patay sa matinding pagbaha at landslide sa Nepal

By Jay Dones August 14, 2017 - 02:25 AM

 

Umakyat na sa 49 ang bilang ng nasawi sa mga landslide at flashflood sa bansang Nepal dulot ng patuloy na pag-ulan.

Libu-libo ring mga residente ng naturang bansa ang napilitang iwan ang kanilang mga tahanan sa pangambang maipit sa matinding pagbaha na dulot ng mahigit tatlong araw na sunud-sunod na pag-ulan sa southern district ng Chitwan.

Nagpapatuloy rin ang pagsusumikap ng mga rescue team na sagipin ang ilang mga residente kung saan ang ilan ay nananatiling nakakapit sa mga punong-kahoy at ang iba ay sa bubungan ng bahay nanananatili.

Maging ang mga hotel sa lugar ay pinasok rin ng tubig kaya’t maraming mga guest ang iniakyat sa mas matataas na palapag upang makaiwas sa baha.

Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit isandaang Nepalese ang namatay dahil sa matinding pag-ulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.