Hindi bababa sa dalawang aftershocks ang naitala sa Batangas, dalawang araw matapos tumama ang 6.3 magnitude na lindol sa lalawigan.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang unang aftershock na 4.9 magnitude sa Nasugbu, Batangas bandang 1:51 ng madaling araw.
Makalipas ang dalawampung minuto, naitala rin ang mas mahinang 3.5 magnitude na pagyanig sa kaparehong bayan.
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum sa isang panayam na wala naman napaulat na nakaramdam sa pagyanig dahil masyado itong malalim.
Parehong may lalim na 160 kilometers ang dalawang aftershocks at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.
Noong nakaraang Biyernes, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Nasugbu, Batangas.
Naramdaman din ang pagyanig sa iba’t ibang bahagi sa Metro Manila at kalapit na probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.