C/Insp. Espenido welcome na maging hepe ng pulisya sa Iloilo City

By Den Macaranas August 12, 2017 - 10:24 AM

Inquirer photo

Hindi takot si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na italaga sa kanilang lungsod bilang hepe ng pulisya si C/Insp. Jovie Espenido.

Ito ang reaksyon ni Mabilog makaraang mag-trending sa social media na dapat gawing hepe ng Iloilo City PNP si Espenido.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Iloilo City ang “most shabulized” city sa buong bansa.

Kasama rin si Mabilog na pinsan ni Sen. Franklin Drilon sa mga nasa “narcolist” ni Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni Mabilog na welcome sa kanya na maka-trabaho si Espenido at para makita na rin daw nito ang ginagawang kampanya ng kanilang lokal na pamahalaan laban sa iligal na droga.

Si Espenido ang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte nang mapatay ang dating mayor nito na si Rolando Espinosa.

Nang mapatay naman kamakailan si Mayor Reynaldo Parojinog Sr. ay si Espenido naman ang hepe sa lungsod ng Ozamis.

Sina Espinosa at Parojinog ay parehong kasama sa narcolist ni Duterte.

TAGS: Druglist, duterte, Illegal Drugs, iloilo city, jed mabilog, Jovie Espenido, leyte, ozamis, Druglist, duterte, Illegal Drugs, iloilo city, jed mabilog, Jovie Espenido, leyte, ozamis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.