Mayor sa Bohol, sinibak sa serbisyo ng Ombudsman

By Rhommel Balasbas August 12, 2017 - 05:13 AM

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagkakatanggal sa serbisyo ni Pilar, Bohol Mayor Necitas Cubrado matapos itong magbigay ng exemptions sa ilang mga residente sa pagbabayad ng kanilang electricity fees.

Ayon sa mga records na hawak ng Ombudsman, inotorisa ni Cubrado noong Agosto 27 taong 2015 ang pag-iisyu ng mga exemption certificates ng hindi kumokonsulta sa Sangguniang Bayan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Ombudsman na ang ginawang pagitsapwera ng alkalde sa Sangguniang Bayan ay labag sa mga probisyon ng Local Government Code.

Inatasan ng Ombudsman ang Department of Interior and Local Government at ang opisina ng Gobernador ng Bohol na ipatupad sa lalong madaling panahon ang dismissal order.

Bukod sa pagkakatanggal bilang alkalde, ipinag-utos din ang “perpetual disqualification” ni Cubrado sa paghawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno at tinanggal ang karapatang makuha ang kanyang retirement benefits.

Sasampahan din siya ng Ombudsman sa Sandiganbayan ng isang bilang ng paglabag sa ‘Usurpation of Legislative Powers’ sa ilalim ng Article 239 ng Revised Penal Code.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.