Pampanga, isinailalim na sa state of calamity dahil sa bird flu outbreak

By Rohanisa Abbas August 11, 2017 - 07:35 PM

Isinailalim na sa state of calamity ang Pampanga matapos ang outbreak ng avian o bird flu na kumitil sa libo-libong ibon sa lalawigan.

Kasabay ng deklarasyong ito, hinigpitan na rin ng pamahalaan ng lalawigan ang one-kilometer quarantine radius sa Barangay San Carlos sa San Luis kung saan nagpositibo sa H5 virus ang isang poultry farm.

Nagpakalat na rin ng checkpoints ang pulisya at ang Department of Agriculture sa 12 bayan sa Pampanga para mabantayan ang lumalabas at pumapasok na poultry products sa lugar.

Ayon kay Pampanga Governor Lila Pineda, tinatayang malulugi nang dalawang bilyong piso ang poultry sector dulot nito.

Dagdag ni Pineda, ang Pampanga ang pangunahing nagsu-supply ng poultry products sa Metro Manila at Central Luzon.

Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, ipinag-uutos niya na ang paghihigpit sa poultry products sa Luzon para mapigilan ang pagkalat ng virus.

 

 

 

 

 

TAGS: avian flu, Bird Flu, Pampanga, Radyo Inquirer, virus, avian flu, Bird Flu, Pampanga, Radyo Inquirer, virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.