Magnitude 6.3 na lindol, tumama sa Batangas; pagyanig naramdaman sa Metro Manila at kalapit na lalawigan

By Radyo Inquirer News Team August 11, 2017 - 01:59 PM

BREAKING: Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bayan ng Nasugbu sa Batangas, Biyernes ng tanghali.

Naramdaman ang malakas na pagyanig sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa 16 kilometers South ng Nasugbu, at tectonic ang origin nito.

May lalim na 160 kilometers ang lindol na naganap ala 1:28 ng hapon.

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na Intensities:

Intensity IV:
Nasugbu, Calatagan & Balayan, Batangas
Calapan, Sablayan & Mamburao, Occidental Mindoro
Manila; Paranaque City; Pasig City; Taguig City; Pasay City
Rosario, Maragondon, Noveleta & Dasmarinas, Cavite
Floridablanca, Pampanga
Olongapo City; Subic & Iba, Zambales

Intensity III:
Puerto Galera, Oriental Mindoro
San Jose, Occidental Mindoro
Tagaytay City
Canlubang, Laguna
Indang & Alfonso Cavite
Bocaue, Malolos, Obando & Balagtas, Bulacan
Dagupan City
Dau, Pampanga
Lingayen, Pangasinan
Bagac, Bataan
Baguio City
Pateros
Quezon City
Makati City
San Juan City
Marikina City
Cainta & San Mateo, Rizal;

Intensity II:
Sta Rosa, Laguna
Gasan, Marinduque
Magalang & Sto. Tomas, Pampanga
Tanauan City Batangas

Intensity I:
Talisay, Batangas
Pantabangan, Nueva Ecija
Meycauayan, Bulacan
Atok, Benguet

Dahil sa nasabing lindol, maraming empleyado sa mga gusali sa Metro Manila ang naglabasan.

Samantala, sa datos ng USGS, naitala ang nasabing pagyanig sa magnitude 6.5.

TAGS: earthquake, Lian batangas, Metro Manila, Radyo Inquirer, earthquake, Lian batangas, Metro Manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.