Sen. JV Ejercito, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong technical malversation
Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Senator JV Ejercito sa kasong technical malversation kaugnay sa umano ay maanomalyang pagbili ngP2.1 million na halaga ng mga armas noong siya ay alkalde pa ng San Juan taong 2008.
Sa 32-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, sinabing nabigo ang prosekusyon na patunayang guilty si Ejercito sa nasabing kaso.
Hindi umano napatunayan ng mga nag-akusa na nagkaroon ng pagkakamali sa panig ni Ejercito nang gamitin niya ang calamity fund ng San Juan City government para bumili ng mga bagong baril para sa San Juan Police.
Sa record ng kaso, noong February hanggang August 2008, binili ni Ejercito ang matataas na kalibre ng baril gamit ang nasabing pondo.
Ayon sa Office of the Ombudsman, ang pondo ay ginamit pambili ng mga armas kahit wala namang umiiral na kalamidad noon.
Pero ayon kay Ejercito, nasunod ang lahat ng proseso sa pagbili ng mga armas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.