P400K na hhalaga ng hindi rehistradong insecticide, nasabat sa isang Department Store sa Maynila
Sinalakay ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) at Criminal Investigation and Detection Group ang isang department store sa Tayuman, Maynila na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na insecticide.
Ayon kay Ret. Gen. Allen Bantolo, officer-in-charge ng Regulatory Enforcement Unit ng FDA, kabilang sa kanilang narecover ang 106 lata ng ‘Butiki’, 107 na lata ng ‘Read a Dream’ insecticide, at 421 na kahon ng katol na ‘Baoma’, na aabot sa P400,000 ang halaga.
Hindi umano naka-rehistro sa kanilang ahensya ang mga ibinebentang insecticide na maaring maging mapanganib sa kalusugan dahil hindi dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri.
Nakatakdang i-turnover ang mga nasabat na produkto sa tanggapan ng FDA sa Muntinlupa City.
Bago ang naturang pagsalakay, nakatanggap umano ng report ang ahensya na nagbebenta ang department store ng mga ipinagbabawal na produkto.
Inaresto ang kahera ng tindahan na si Mary Grace Abucal na mahaharap sa kasong pagbebenta ng unregistered health products.
Pinaghahanap pa naman sa ngayon ang mismong may-ari ng Novo Department Store.
(EDIT) LOOK: P400K na halaga ng hindi rehistradong insecticides nasabat sa isang Department Store sa Maynila | @CyrilleCupino pic.twitter.com/MpyR82SvhN
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 10, 2017
WATCH: Ang mga nasabat na kahon-kahong insecticide sa Maynila | @CyrilleCupino pic.twitter.com/pSP3MHeTWz
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 10, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.