US at NoKor, patuloy sa pagpapalitan ng agresibong pahayag

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2017 - 06:46 AM

Makaraang sabihin kahapon ng North Korea na sa kalagitnaan ng Agosto ay makukumpleto na nila ang pagpaplano para sa pag-atake sa Guam, muling humarap sa media si U.S. President Donald Trump para tumugon sa naturang banta.

Sa kaniyang pagsasalita sa New Jersey golf club, hindi sinagot ni Trump ang mga tanong kung may plano siyang magsagawa ng pre-emptive strike laban sa North Korea.

Gayunman, muling naglabas ng babala si Trump laban sa sa NoKor.

Ayon kay Trump, kung ang North Korea ay may gagawing hakbango kahit iisipin lamang na gumawa ng pag-atake ay dapat aniyang nerbyosino mangamba ng husto ang NoKor sa magiging tugon ng U.S.

Sinabi ni Trump na ang kaniyang naunang banta na kakaharapin ng NoKor ang “fire and fury” kapag nagsagawa ng pag-atake ay hindi pa sapat at may mas titindi pang pwedeng mangyari na hindi kailanman aakalain ng North Korea na pwedeng maganap.

“The people of this country should be very comfortable, and I will tell you this: If North Korea does anything in terms of even thinking about attack, of anybody that we love or we represent or our allies or us, they can be very, very nervous,” ayon kay Trump.

Dagdag pa ni Trump ang mga pahayag niya ay hindi paghahamon kundi paglalahad ng katotohanan.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, Guam, Kim Jong un, north korea, US, donald trump, Guam, Kim Jong un, north korea, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.