North Korea, gagamit ng apat na missile sa planong pag-atake sa Guam
Apat na missile ang gagamitin ng North Korea sa plano nitong pag-atake sa Guam.
Sa ulat ng Yonhap News, apat na Hwasong-12 missiles ang gagamitin ng NoKor sa Guam kung saan naroroon ang military bases ng U.S.
Ayon sa military ng NoKor, makukumpleto ang plano nilang pag-atake sa Guam sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto.
Matapos ito, hihintayin na lamang nila ang go signal mula kay North Korean Leader Kim Jong Un para sa pagpapakawala ng missile.
Ang Hwasong-12 ay isang uri ng intermediate-range ballistic missile na unang ipinakita ng North Korea sa publiko nang isagawa ang kanilang “Day of the Sun” parade noong April 15, 2017.
Apat na beses nang nakapagsagawa ng missile test ang NoKor para sa Hwasong-12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.