4 na hostages ng Maute nailigtas ng militar sa Marawi City

By Chona Yu August 09, 2017 - 03:48 PM

Photo: Capt. Jo An Petinglay

Apat na sibilyan na binihag ng teroristang Maute group ang narescue ng militar sa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Capt. Jo Ann Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, narescue ang apat sa paligid ng Lake Lanao.

Tatlo sa mga bihag ay galing sa Zamboanga City habang ang isa ay galing sa Iligan City.

Natagpuan ang apat na bihag bunga na rin ng pakikipag tulungan ng isa sa asawa ng apat na bihag sa Philippine Navy sa Zamboanga at Joint Task Force Marawi.

Dinala na ang apat na bihag sa pinakamalapit na Philippine Army Headquarters at nilapatan ng medical assistance.

Isasailalim din sa debriefing ang apat na naging bihag ng mga terorista.

TAGS: hostages, ISIS, marawi, Maute, hostages, ISIS, marawi, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.