Panukalang buwisan ang mga inuming ginagamitan ng asukal inalmahan ng isang grupo

By Ricky Brozas August 09, 2017 - 12:16 PM

Tax on SSBs

Tiyak nang tatamaan ang masa o mga pamilya na nasa kategoryang class C, D at E sa nakaambang reporma sa pagbubuwis sa Sugar Sweetened Beverages o SSBs.

Ito ang pangamba ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners o PASCO oras na maisabatas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN o House Bill 5636.

Apela ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipagpiban ang pagsasabatas ng panukala dahil sa pahirap na idudulot nito sa mga ordinaryong consumer.

Sinabi ni PASCO President Victoria “Nanay Vicky” Aguinaldo, base sa pag-aaral ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Incorporated, kapag tuluyang naisabatas TRAIN ay sisirit ang presyo ng mga inumin o mga produkto na ginagamitan ng asukal.

Nakapaloob sa naturang panukala ang P10 pagtaas sa presyo ng kada litro ng SSBs.

Kung maisasabatas, ayon sa grupo, ito na ang pinakamataas na presyo sa buong mundo na tiyak na ang mahihirap ang tatamaan.

Inihalimbawa pa ng PASCO ang 3-in-1 na sachet ng kape na kung ngayon ay nabibili sa P5, ay magiging P8 na kapag naisabatas ang panukala sa pagbubuwis.

Ang isang litro naman ng juice concentrated na P9 ay magiging P30 na ang retail price at ang isang litro ng tea na P20 ay magiging P30 na.

Kasama umano sa tatamaan ng pagbubuwis ay ang lahat ng sweetened juice drinks; sweetened tea; sweetened coffee; all carbonated beverages with sugar, kabilang na ang caloric and non-caloric sweeteners; flavored water; energy drinks; sports drinks; powdered drinks na hindi na-classify bilang gatas tulad ng cereal and grain beverages; pati na non-alcoholic beverages with sugar.

Paniwala ng PASCO, anti-Filipino at anti-poor, ang naturang panukala kung saan sapul din maging ang sari-sari store owners na ang malaking kinikita ay nagmula sa sugar-sweetened beverages o mga inumin na ginagamitan ng asukal.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, sugar sweetened beverages, tax on SSBs, Radyo Inquirer, sugar sweetened beverages, tax on SSBs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.