20 mambabatas, sangkot sa bagong P500 milyong pork barrel scam
Inakusahan sina Senator Juan Ponce Enrile, Sen. Ramon Revilla Jr., dating Sen. Edgardo Angara, kasama ang kasalulukyan, at 17 pang mga mambabatas na sangkot sa panibagong pork barrel scam dahil sa P500 milyong halaga ng alokasyon sa kanila na hinihinalang isinailin sa mga kaduda-dudang non government organizations (NGOs).
Sa isinumiteng dokumento, kasama na ang sinumpaang salaysay mula sa apat na bagong whistleblowers, makikita ang ilan sa mga ebidensyang magpapatunay nang kanilang pagbuo sa mga NGOs gamit ang nsabing budget.
Ang mga ebidensyang ito ang bumubuo sa mga ebidensyang inihanda ni Atty. Levito Baligod, dating abugado na nagsiwalat ng P10-billion racket, kasama na ang diversion ng congressional Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng NGOs nina Janet Lim-Napoles.
Ang mga affidavits, kasama ang ilang mga kopya ng cheke, at iba pang dokumento ay ipapasa ni Baligod, ang abogado ng mga whistleblowers, kay Conchita Carpio Morales ng Office of the Ombudsman, bukas, Miyerkules.
Sa sulat na isinumite ni Baligod sa Ombudsman, hiningi niya ang kaukulang aksyon na nararapat para sa mga inilabas nilang ebidensya laban sa mga opisyal ng pamahalaan na gumamit aniya ng parehong pamamaraan na ginawa noon ni Napoles.
Ibinahagi aniya ng ilan sa mga testigo ang paggamit ng halagang P490,685,000.00 ng PDAF at ang partisipasyon ng mga opisyal dito.
Ilan sa mga pinangalanang mga opisyal na kasali umano sa nasabing scam para sa mga pekeng organisasyong binuo mula 2007 hanggang 2010 ay sina:
— Sen. Bong Revilla na ginamit ang kaniyang P22 million na alokasyon sa St. James the Apostle Multipurpose Cooperative na may release order (Saro) numbers ROCS-07-08555
— Sen. Juan Ponce Enrile na sinalin ang P15 million niyang alokasyon para sa Kagandahan ng Kapaligiran Foundation Inc. na may Saro number ROCS-09-04956 at;
— Sen. Edgardo Angara, na ginamit rin ang kaniyang P20 million na pork sa Kagandahan ng Kapaligiran Foundation Inc. na may Saro number ROCS-09-05619.
Bukod sa tatlong nabanggit na senador, kabilang rin ang mga sumusunod na kasalukuyan at dating mga kongresista sa mga sangkot sa isyu:
— dating Davao City Rep. Prospero Nograles
— dating Catanduanes Rep. Joseph Santiago
— dating Bohol Rep. Roberto Cajes
— dating Aklan Rep. Florencio Miraflores
— Iloilo Rep. Neil Tupas
— dating Yacap Party list Rep. Carol Lopez
— dating Laguna Rep. Edgar San Luis
— San Jose del Monte City Rep. Arturo Robes
— dating Cibal Party list Rep. Joel Villanueva
— dating Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino
— dating Albay Rep. Reno Lim
— Negros Oriental Rep. Julius Ledesma IV
— dating Laguna Rep. Evita Arago
— dating Pangasinan Rep. Rachel Arenas
— dating Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali
— Albay Rep. Al Francis Bichara
— dating Misamis Occidental Rep. Marina Clarete
Samantala, pinabulaanan naman ni Angara ang mga akusasyon sa kaniya at sinabing hindi naman nila ginamit ang kani-kanilang mga alokasyon sa mga nasabing organisasyon at iginiit rin niyang malinaw na ang isyung ito sa Commission on Audit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.