QC government, gagastos ng mahigit P1B na kapag tuluyang naipasara ang Payatas
Aabot sa P1.667 billion ang hauling cost na maaring magastos ng pamahalaang lokal ng Quezon City oras na tuluyan nang maipasara ang Payatas dumpsite.
Ito’y dahil mas mapapalayo na ang paglilipatan ng tapunan ng basura ng lungsod na pinagpipilian sa Rodriguez Provincial Sanitary Landfill at Vitas Marine Loading Station sa Maynila.
Ayon sa pamunuan ng lungsod, kakain ng mas mas maraming gasolina sa basura ng truck ang bagong ruta at mas magiging mahaba ang turnaround nito.
Nabatid kasi P780 million lang ang hauling cost na ginagastos ng Quezon City government sa Payatas.
Paliwanag pa nila, sa Rodriguez, magiging 4 hanggang 5 oras ang aabutin bago makolekta ang basura sa lahat ng 6 na distrito ng QC bago makabalik ng dispatching area ang truck para sa second trip nito.
Habang 6 hanggang 8 oras naman ang turnaround time sa Vitas.
Kasunod nito, iginiit ng pamunuan ng lungsod na hindi naman nila napabayaan ang maintenance ng Payatas at dapat lang na ipagpatuloy ang paggamit dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.