North Korea, nagbanta ng missile strike sa Guam
Nagbabala ng missile attack ang North Korea sa Guam na kinaroroonan ng mga strategic bombers ng Estados Unidos.
Ayon sa military ng North Korea, ikinukunsidera nilang atakihin ng missile ang Guam.
Sa statement ng strategic force ng NoKor, masusuing inaaral ngayon ang operational plan sa pag-atake sa Guam gamit ang medium-to-long-range strategic ballistic rocket na Hwasong-12.
Kinakailangan umano kasing ma-contain ang U.S. major military bases sa Guam kabilang ang Anderson Air Force Base kung saan pinaniniwalaang naroroon ang magagaling na bombers ng Amerika.
Matapos ang full examination at sa sandaling makumpleto na ang plano ay dadalhin ito sa Supreme Command ng NoKor.
Ang strategic bombers ng U.S. na ipinadadala sa South Korea bilang show of force laban sa NoKor ay kadalasang nagmumula sa Guam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.