Patay sa malakas na lindol na tumama sa China, nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo August 09, 2017 - 06:59 AM

(UPDATE) Umabot na sa labingtatlo ang nasawi at 175 ang nasugatan sa lindol na tumama sa popular na tourist area sa Sichuan Province sa China.

Sa ulat ng state-owned media sa China na Xinhua, marami sa mga nasugatan ay kritikal ang kondisyon.

Patuloy din ang pagsusumikap ng rescuers na maalis ang mga debris na nabagsakan para matiyak na wala nang naipit na indibidwal.

Ayon sa Sichuan government, pinangangambahang natabunan ng landslide ang nasa 100 turista.

Anim sa mga nasawi ay kumpirmadong turista sa lugar pero hindi pa makumpirma kung may dayuhan sa mga ito.

Ang epicenter ng kasi ng lindol na Jiuzhaigou County ay tanyag sa local tourists.

Ayon sa US Geologiocal Survey, 6.5 ang magnitude ng tumamang lindol, pero sa record ng China Earthquake Networks Center, sinabing magnitude 7 ang naitala nilang lakas ng pagyanig.

Itinaas na ng China Earthquake Administration rin sa pinakamataas ang kanilang emergency response level matapos ang lindol.

Nagpakalat na ng 400 na fire trucks at mahigit 1,100 na firefighters na may bitbit na 55 life detectors, 30 rescue dogs at 24 na generators sa mga apektadong lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: China earthquake, magnitude 6.5, Sichuan China, China earthquake, magnitude 6.5, Sichuan China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.