Giyera kontra droga at terorismo sa Pilipinas, suportado ng Russia

By Kabie Aenlle August 09, 2017 - 04:33 AM

 

Nakahanda ang Russia na tumulong na mapaigting ang pwersa ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa terorismo, kasabay ng pagsuporta rin nila sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, nagkasundo sila ni Russian Foreign Minister Sergey Lavarov sa sidelines ng Foreign Ministers Meeting na pabilisin na ang bilateral agreements lalo na ang may kaugnayan sa military-technical cooperation, illegal narcotics at law enforcement.

Nagpasalamat rin si Cayetano sa pag-aalok ng Russian Federation ng tulong para mas mapalakas ang kakayanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa terorismo sa Mindanao.

Ani Cayetano, mahalaga para sa bansa ang alok ng Russia lalo na’t sila ang bansang may karanasan at bagong kagamitan para sa mga banta sa seguridad.

Ipinarating rin aniya sa kaniya ni Lavrov ang mensahe para kay Pangulong Duterte na nakikiisa ang Russia sa pagsisikap ng administrasyon na labanan ang banta ng terorismo sa bansa, tulad ng ipinapakita ng Pilipinas sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.