Imbestigasyon na ikinakasa ng senado hindi sesentro sa impeachment laban kay Bautista
Nilinaw ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na hindi impeachment ang magiging sentro ng isasagawa nilang imbestigasyon kaugnay sa isyung kinasasangkutan ni Comelec Chairman Andres Bautista at asawa nito.
Ayon kay Sotto, layon ng imbestigasyon na tututukan kung gaano kadaling napapaikutan ng mga opisyal ang pagdeklara ng kanilang ari-arian sa kanilang SALN o Statement of Assets Liabilities and Networth.
Paliwanag ni Sotto, dahil sa hindi tugmang SALN ni Bautista at ng mga ibinunyag ng asawa nito na yaman ng Comelec Chairman ay mahalagang malaman kung maayos bang nasusunod ang RA 713 o ang pagpa-file ng SALN.
Maliban dito, kailangan din umanong mailabas ang katotohanan sa mga sinasabing hindi maipaliwanag na yaman ni Bautista dahil sa mga spekulasyon na nababahiran umano nito ang kredibilidad ng 2016 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.