Panukalang pagpapaliban ng SK at Barangay Elections ipapasa ng Kamara ngayong buwan

By Erwin Aguilon August 09, 2017 - 04:05 AM

 

Siniguro ng Kamara n maaaprubahan nila bago matapos ang buwan ng Agosto ang panukala para ipagpaliban ang nakatakdang SK at Barangay Election sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chair Sherwyn Tugna, uumpisahan nila ang pagdinig sa araw ng Lunes.

Sinabi ni Tugna na tatagal lamang ng ilang araw sa kanyang komite ang panukala bago ito iakyat aa plenaryo ng Kamara.

Nagpahayag naman ng pagtutol ang Magnificent 7 sa Kamara sa nasabing panukala dahil para kay Albay Rep. Edcel Lagman para na rin itong pagbalewala na democratic process.

Nauna ng napagkasunduan sa all members caucus ng mga kongresista na ipagpaliban sa Mayo ng susunod na taon ang SK at Barangay elections kasabay ng plebesito para sa charter change o BBL.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.