Senado pinayuhang maging mabusisi sa pag-iimbestiga kay Bautista
Kinakailangan umano na mapag-aralan mabuti ang planong pag-imbistiga ng Senado sa usapin ng umano’y ill-gotten wealth ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Sen Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, kakausapin niya si mabuti si Sen Tito Sotto na naghain ng resolusyon para maimbestigahan si Bautista.
Paliwanag ni Gordon, si Bautista ay isang constitutional official at kung i-impeach ito mas makakabuti na umpisahan ito sa Kamara upang hindi magdoble ang imbestigasyon
Giit ni Gordon, kung sakali na i-impeach kasi si Bautista silang mga Senador din ang uupo bilang mga senator-judges
Maari naman umanong mag-imbestiga ang Senado sakaling walang mangyari sa posibilidad na impeachment complaint na ihahain kay Bautista
Nauna nang naghain ng resolusyon sa Senado si Sotto na humihiling imbestigahan ang kontrobersya na kinatigan naman ng mga kapwa mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.