Global stock market, bumulusok sa unang araw ng Setyembre
Matapos ilabas ng China ang mahinang manufacturing data para sa buwan ng Agosto, bumulusok ang global stock market sa kalakalan sa unang araw ng Setyembre.
Bagsak ng dalawang porysento ang FTSE 100 ng Great Britain, samantalang 2.5 porsyento naman sa DAX ng Germany, at 2.3 percent naman ang ibinagsak ng CAC 40 ng France.
Ayon sa official index, bumaba sa 49.7 percent ang manufacturing ng China sa buwan ng Agosto mula sa 50 percent noong Hulyo
Ito na ang pinakamababang manufacturing data ng Beijing sa loob ng tatlong taon.
Naapektuhan ang kabuuang Asian markets, nang bumagsak din ng 1.2 porsyento ang kalakalan nitong nagdaang araw ang benchmark ng China na Shanghai Composite.
Nasa 3.8 porsyento naman ang ibinulusok ng Nikkei 225 ng Japan, 2.2 porsyento sa Hang Seng index ng Hong Kong, 1.4 porsyento sa Kospi index ng South Korea habang 2.1 percent sa ASX 200 ng Australia.
Nagsimula noong Agosto ang epektong ito sa global market matapos na ibaba ng bansang China ang halaga ng kanilang currency na yuan, dahil sa mahinang export ng bansa na ang ekonomiya ay pangalawa sa pinakamalaki sa mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.