Pagpapasuot ng high heels sa trabaho, dapat ipagbawal ayon sa isang labor group

By Ricky Brozas August 08, 2017 - 10:50 AM

Hiniling ng isang labor group sa Department of Labor and Employment (DOLE) na pagbawalan ang mga employer nang sapilitang pagpapasuot ng high heels sa kanilang mga empleyado.

Ito ay dahil sa panganib na posibleng idulot umano nito.

Ayon sa Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) marami silang natatanggap na reklamo mula sa mga saleslady kaugnay ng hirap nila sa pagsusuot ng matataas na takong sa trabaho.

Ayon kay Gerard Seno, National Executive Vice President ng ALU, bukod sa saleslady ay kasama umano sa pinagsusuot ng high heels ang mga promodizer sa mga grocery stores, waitress, hotel and restaurant receptionists at flight attendants.

Sinabi ni Seno na sa ngayon, walang regulasyon ang DOLE kaugnay ng pagsusuot ng high heels.

Pero ang mas nakalulungkot aniya ay karamihan sa mga nasa larangan nang ganoong uri ng trabaho ay pawang mga contractual employee lamang na wala namang boses na katawanin ang kanilang hanay.

Sila ay nagtitiis na lamang na sundin ang ipinag-uutos ng kumpanya kahit pa labag ito sa kanilang kagustuhan.

Ayon sa pag-aaral ng American Association of Orthopedic Surgeons, ang pagsusuot ng sapatos na mataas ang taking ay maaring magresulta ng joint pain, lower back pain at maari ding magdulot ng sprain.

 

 

TAGS: high heels, Radyo Inquirer, work, high heels, Radyo Inquirer, work

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.