Dalawang lindol ang yumanig sa bayan ng Pililia sa Rizal ngayong madaling araw.
Unang iniulat ng PHIVOLCS ang magnitude 4.1 na lindol sa Mabitac, Laguna kaninang 12:31 ng hatinggabi.
Ngunit itinama ito ng PHIVOLCS at na-downgrade sa magnitude 3.9 na sa Pililia, Rizal na may lalim na 9 kilometers.
Pagsapit naman ng 1:28 ng madaling araw, niyanig ulit ng lindol ang Pililia na umabot sa magnitude 4.1 na naramdaman sa iba pang bahagi ng Rizal, Laguna at ilang lungsod sa Metro Manila.
May lalim ang naitalang lindol na 5 kilometers.
Naitala ang intensity 4 sa Pililia, Rizal; Intensity 3 sa San Mateo at Montalban, Rizal; habang Intensity 1 naman sa Quezon City.
Naramdaman ang pagyanig sa Makati, Maynila, Marikina, at Parañaque.
Wala naman nang inaasahan pang aftershocks matapos ang naturang pagyanig ayon sa PHIVOLCS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.