Suspek sa pamamaril kay Pamana, malapit nang matukoy ng DENR
Mayroon ng lead ang Department of Enviroment and Natural Resources para matukoy ang bumaril at nakapatay sa tatlong taong gulang na Philippine Eagle na si Pamana.
Sa hearing ng Senate Committee on Environment, Agriculture, Tourism at Foreign Relations, inihayag ni DENR’s Biodiversity Management Bureau Director Theresa Mundita-Lim na kinukumpleto na nila ngayon ang detalye bago hingan ng tulong ang mga otoridad.
Sa ngayon ayon kay Lim, nasa kalahating milyong piso ang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa agilang si Pamana.
Matatandaang nasa advanced state na ng decomposition nang matagpuan si Pamana sa bahagi ng Mt. Hamiguitan range sa San Isidro Davao Oriental noong August 16.
Samantala, inamin din ni Lim na hanggang ngayon, wala pa rin silang nakukuhang lead para matukoy ang pumatay sa isa pang agila na si Minalwang sa bahagi ng Misamis Oriental province noong 2013.
Isinisisi naman ni Senador Chiz Escudero, Chairman ng Senate Committee on Environment na ang kakulungan ng implementasyon ng batas ang dahilan kung kaya walang napaparusahan sa mga pumapatay sa philippine eagle at iba pang endangered species.
Kulang din aniya ang mga forest rangers na nagbabantay sa kabundukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.