Pangulong Duterte, sinubukang pag-ayusin si Comelec Chairman Bautista at misis

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2017 - 09:26 AM

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na tinangka ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ayusin siya at kaniyang misis na si Patricia Bautista.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Chairman Bautista na may isang pagkakataon na kinausap siya ni Pangulong Duterte at kaniyang misis.

Matapos silang hiwalay na kausapin, pinagharap umano sila ng pangulo.

Pinayuhan aniya sila ni Pangulong Duterte na magbakasyon muna para makapag-isip isipat subukang maiayos ang problema.

Marami din aniyang payo ang pangulo base sa kaniyang sariling karanasan sa buhay may-asawa.

Sinabi ni Bautista na bukas siyang makipag-ayos sa misis, pero nagmatigas umano ito dahil nga mayroon na itong “ibang partido”.

Ani Bautista, sa kasalukuyang sigalot sa pagitan nilang mag-asawa, nasa kaniyang panig maging ang pamilya ng misis.

Katunayan, kasama ni Chairman Bautista ang kaniyang biyenan nang magtungo siya sa Malakanyang at kausapin ng pangulo.

Kwento pa ni Bautista, magkasama pa sila ni Patricia sa bahay, pero sa masters’ bedroom aniya natutulog ang misis habang siya ay sa guest room.

May mga pagkakataon din aniyang nakikitulog na lamang sa kaniyang biyenan si Chairman Bautista o di kaya ay sa baha ng kaniyang kapatid.

“May mga payo sya (Pangulong Duterte) very concern siya sa pamilya, sabi niya magbakasyon muna kami sa Pearl Farm. Siya (misis) ang matigas eh, ako naman bukas eh, siguro sabi ko nga dahil meron nang ibang partido,” ayon kay Bautista.

 

 

 

 

 

 

TAGS: andres bautista, comelec, ill gotten wealth, patricia bautista, andres bautista, comelec, ill gotten wealth, patricia bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.