Asean Foreign Ministers’ Meeting nagsimula na sa PICC
Sentro sa pagsisimula ng 50th Asean Foreign Ministers’ Meeting ang ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation.
Pinangunahan ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang seremonya sa pagbubukas ng nasabing pulong kanina sa Philippine International Convention Center (PICC).
kumpleto ang sampung foreign ministers maging ang mga opisyal mula sa Norway, Papua New Guinea, Switzerland, Timor-Leste, Turkey at iba pang partner organizations.
Pinangunahan rin ni Cayeteno ang tradisyunal na Asean handshake.
Sa opening statement ng kalihim ay kanyang sinabi na isang maituturing na golden opportunity ang nasabing pagpupulong na lalong magpapalakas hindi lamang sa negosyo kundi maging sa aspeto ng seguridad.
Hinimok ni Cayetano ang mga kasamang foreign ministers na magtulungan para matugunan ang mga isyu sa rehiyon.
Binanggit rin ng opisyal na dapat gamitin ang pagkakataong ito para sa higit pang unawaan ng mga bansang kasapi ng Asean.
Kasabay ng pagbubukas ng naturang Foreign Ministers’ Meeting ay ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng Roxas Blvd. at PICC
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.