2 barangay sa Marawi City hawak pa ng Maute group

By Jimmy Tamayo August 05, 2017 - 11:26 AM

Inquirer file photo

Limitado na lamang sa dalawang Barangay ang sagupaan sa loob ng Marawi City.

Higit dalawang buwan mula nang magsimula ang digmaan sa lungsod sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at Maute group, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson BGen. Restituto Padilla na nasa dalawang Barangay o nasa isang kilometro kwadrado na lamang ang bakbakan.

Dahil dito, sinabi ni Padilla na konting pasensya na lamang para matapos ang gulo.

Umapela din si Padilla sa mga bakwit na residente na magtiis muna at huwag magpilit na bumalik sa kanilang tahanan.

Kinakailangan aniyang tiyakin muna nila na “cleared” na ang lugar at wala ng mga IEDs o improvised explosive device.

TAGS: AFP, ISIS, Martial Law, Maute, Mindanao, AFP, ISIS, Martial Law, Maute, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.