WATCH: Mga estudyante at guro, may hirit pa sa free tuition sa SUCs
By Jan Escosio August 04, 2017 - 10:02 PM
Bagamat natutuwa sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na magbibigay ng free college education sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo may pagdududa pa rin ang mga militanteng grupo.
Ito ay sinegundahan ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago kaya’t aniya dapat bantayan ng Kongreso at publiko ang implementing rules and regulations ng batas gayundin ang pagtiyak na may pondo kada taon sa pagpapatupad ng batas.
Katuwiran ni Elago marami pa rin sa mga nakapaligid kay Pangulong Duterte ang tutol sa naturang batas.
Ayon naman kay Shari Oliquino, UP Student Regent, na magpapatuloy pa rin ang kanilang pagkilos hanggang sa maging ganap nang maging libre ang pag-aaral sa mga state colleges and universities at tumaas ang sahod ng mga pampublikong guro.
Narito ang buong report ni Jan Escosio:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.