Grade 9 student, arestado sa Pangasinan dahil sa pagbibitbit ng baril

By Rohanisa Abbas August 04, 2017 - 12:18 PM

Inaresto ang isang estudyanteng nasa Grade 9 matapos magdala ng baril sa paaralan sa bayan ng Burgos, Pangasinan.

Ayon kay Sr. Inspector Eddie Suyat, hepe ng pulisya ng Burgos, inakala ng guro na si Evelyn Cabalbag na nanonood lamang ng video sa cellphone ang estudyante at ang katabi nito.

Nang lapitan ni Cabalbag ang dalawa dahil sa hindi pakikinig sa klase, nadiskubre niya ang isang baril na nakabalot sa t-shirt.

Ipinagbigay-alam ito ng Jose Rivera Bonsay National High School sa mga otoridad.

Tinukoy ni Suyat ang baril bilang isang homemade na 9-millimeter na baril.

Dinala na sa pulisya ang mag-aaral at sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms.

 

 

 

 

TAGS: grade 9 student, pangasinan, Radyo Inquirer, grade 9 student, pangasinan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.