Pangulong Duterte at MNLF Chair Nur Misuari, muling nagpulong sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo August 04, 2017 - 11:44 AM

PRESIDENTIAL PHOTO

Nagpulong muli sa Malakanyang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari.

Ang pulong ay ginanap, Huwebes ng gabi sa Palasyo.

Sa inilabas na photo release ng Malakanyang, makikitang kasama ni Misuari sa pagpupulong ang misis niyang si Tarhata, at mga anak na sina Abdulkarim, Yahodza Simpal, Utadz Abdul Asiz Amenudddi at Yaser Lumbos.

Hindi binuksan sa media ang pagpupulong at tanging presidential photographers lamang ang pinayagang makakuha ng larawan.

Wala ring ibinagay na detalye ang Malakanyang kung ano ang pinapulungan ng dalawa.

Ito na ang ikatlong pakikipagpulong ni Duterte kay Misuari mula nang siya ay maging pangulo ng bansa.

Sa kanilang ikalawa nilang pulong noong nakaraang buwan ay natalakay ang tungkol sa Bangsamoro Basic Law.

Tiniyak umano ni Misuari kay Pangulong Duterte na hindi siya magiging hadlang sa anumang nilalaman ng kasunduan ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: MILF, mnlf, Nur Misuari, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, MILF, mnlf, Nur Misuari, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.