Panukala para sa libreng tuition sa SUCs, nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng libreng tuition sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.
Inanunsyo ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang magandang balita sa Mindanao Hour na idinaos ngayong araw sa Pasay City.
Ayon kay Guevarra, nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang isang ganap na batas ang “The Universal Access to Quality Tertiary Education Act”.
Ang nasabing batas ay naiapasa ng Kongreso noong Mayo at nai-transmit sa tanggapan ng pangulo noong July 5.
Sa ilalim ng batas, magiging libre na ang edukasyon sa lahat ng SUCs sa bansa.
Magkakaroon ng re-alignment ng budget para mapaglaanan ng pondo ang pag-aaral sa mga SUCs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.