Pangilinan kay Duterte: “Hindi mo kailangang mag-mura”

By Ruel Perez August 04, 2017 - 04:27 AM

Hindi naman kailangan pang pagmumurahin ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil lamang sa hindi nito sinusuportahan ang pamamaraan sa ginagawang paglaban sa iligal na droga.

Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, hindi naman kailangan murahin at insultuhin ang kapwa kung hindi ito sumasang-ayon sa sinasabi nito.

Nakatikim kamakailan ng malulutong na mura si Aquino mula kay Duterte sa isa niyang talumpati matapos sabihin ng dating pangulo sa isang panayam na walang naa-accomplish ang Duterte administration sa kanyang war on drugs.

Paliwanag ni Pangilinan, dapat na tratuhin ang problema sa iligal na droga hindi bilang law enforcement problem kundi isang health problem na kailangan ng kaakibat. na rehabilitasyon .

Samantala, pinaalalahanan naman ni Sen. Grace Poe si Pangulong Duterte na na mag-ingat naman sa kanyang mga pananalita.

Bagaman, aminado si Poe na istilo na talaga ito ni Duterte, ang masama lang aniya ay hindi malayong gayahin ito ng mga bata na nakakapakinig at nanunuod sa pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.