Profiling sa mga dayuhan, isasagawa na sa Digos City

By Kabie Aenlle August 04, 2017 - 04:17 AM

Inatasan na ang mga barangay officials sa Digos City na magsagawa ng profiling ng mga foreigners na naninirahan sa kanilang lugar.

Layon ng lokal na pamahalaan ng Digos City na paigtingin ang seguridad sa kanilang lungsod upang maiwasan itong gawing entry point ng mga terorista.

Maari kasing dumaan sa Celebes Sea at Sarangani Island ang mga dayuhan patungo sa Digos mula sa Indonesia, kung saan nanggaling ang karamihan sa mga teroristang nakikipagbakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Mayor Joseph Peñas, bahagi ang profiling sa kanilang paghahanda upang matiyak na walang dayuhang extremist na nakapasok sa kanilang lungsod.

Sa kabila naman ng utos niyang ito sa mga barangay officials, sinabihan pa rin niya ang mga ito na mag-ingat at maging magalang pa rin sa pagsasagawa ng profiling.

Hindi rin niya pinapayuhan ang mga ito na piliting sumagot ang mga dayuhan sa mga tanong na may kaugnayan kung bakit sila namamalagi sa lugar.

Samantala, hinikayat rin ni Peña ang mga may-ari ng bangka o anumang sasakyang pandagat na iparehistro ang mga ito.

Sa ganitong paraan aniya ay malalaman nila agad kung ang dumadaong na sasakyang pandagat ay pag-aari ng kanilang mga residente.

Kapag aniya hindi pamilyar ang vessel na hindi rehistrado, mas madali nila itong maaaksyunan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.