Dating news editor at kapatid, patay sa ambush sa San Juan City

By Jong Manlapaz, Kabie Aenlle August 04, 2017 - 02:01 AM

Nasawi sa pananambang ang isang dating newspaper editor at kapatid niyang negosyante sa San Juan City kagabi.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang mga biktima na si Christopher Marasigan na isang negosyante at kapatid niyang si Mike na dating taga-media.

Base sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente, nakasakay ang magkapatid sa isang metallic gray na CC5 Mazda na may plakang PN WOU 583 na bumibiyahe sa kanto ng V. Cruz at Barcelona streets sa San Juan pasado alas-6:00 ng gabi.

Sinundan ng dalawang suspek ang sasakyan ng mga biktima at saka ilang beses na pinagbabaril.

Hindi pa naman natutukoy ang mga suspek na parehong nakasakay sa motorsiklo na walang plaka.

Dead on the spot si Mike, habang dinala pa sa San Juan Medical Hospital si Christopher ngunit kalaunan ay nasawi rin.

Ayon naman kay Ssupt. Lawrence Coop, narekober ng mga pulis ang 34 na basyo ng bala, apat ay mula sa cal. .45 na baril habang ang 30 naman ay mula sa 9mm na baril.

Sa ngayon ay wala pang ideya ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa magkapatid pero patuloy nang iniimbestigahan ang naturang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.