‘Yellow rainfall alert’ itinaas sa Zambales at Bataan; ilang lugar sa NCR at kalapit lalawigan uulanin
Naglabas ng ‘Heavy Rainfall Alert’ ang PAGASA sa ilang lugar sa Central Luzon at Metro Manila dahil sa epekto ng Southwest monsoon o habagat.
Sa ‘Heavy Rainfall Warning No. 3’ na inilabas ng weather bureau alas 4:00 ng madaling araw, Huwebes, isinailalim sa ‘Yellow Warning Level’ ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Dahil dito, may posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar sa mga nabanggit na lalawigan.
Posible naman ang malakas na pag-ulan na may kasamang hangin at kulog-kidlat sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite at Rizal sa susunod na tatlong oras.
Light to moderate rains naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila-Taguig, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa, Rizal-Antipolo, Tanay, Baras, Morong, Teresa, Binangonan, Cavite-Bacoor, Imus, Dasmariñas, Gen. Trias, Tanza, Tarlac-Bamban, Bulacan-San Jose Del Monte, Sta. Maria, Balagtas, Guiguinto at sa Batangas-Nasugbu sa loob ng dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.