Isang sakong pera, tinangkang ipansuhol sa akin ng mga Parojinog-Espenido

By Inquirer, Jay Dones August 03, 2017 - 04:29 AM

 

Ibinunyag ni Chief Inspector Jovie Espenido na tinangka siyang suhulan ng pamilya Parojinog bilang hepe ng Ozamiz City upang balewalain ang kriminalidad kabilang na ang talamak na droga sa lungsod.

Bilang patunay aniya, isang sako na puno ng tig-isandaang piso ang inalok sa kanya ng mga Parojinog noong Disyembre matapos siyang maupo sa puwesto bilang hepe ng pulisya ng Ozamiz.

Sa panayam ng Inquirer, isiniwalat pa ni Espenido na sa Ozamiz City lamang siya nakaranas ng pagtatangka na masuhulan.

Dahil aniya sa naturang karanasan, ito marahil ang dahilan kung bakit ilan sa mga nakaraang hepe ng pulisya ng lungsod ay naging mahina ang performance bilang pinuno ng pulisya.

Noong ikatlong araw pa lamang niya aniya sa puwesto ay agad na nitong personal na hiniling sa mga Parojinog na itigil na ang mga ilegal nitong mga negosyo upang maging maayos ang buhay sa lungsod.

Gayunman, itinanggi ng mga ito na sangkot sila sa anumang iligal na Gawain, dagdag pa ni Espenido.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.