Patay ang dalawang babae matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Batangas City kahapon.
Kinilala ni Senior Insp. Hazel Luna-Ang ng Batangas police ang mga biktima na sina Jenifer Bagui at Divina Castillo.
Ilang beses na pinagbabaril ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo ang mga biktima sa Barangay Soro-Soro Ibaba, Miyerkules ng hapon.
Dahil dito maraming tama ng bala ang natamo ng mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Dinala pa sila sa Batangas Medical Center ngunit nasawi rin habang nasa biyahe pa.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.