WATCH: Customs Commissioner Nicanor Faeldon binuweltahan ang kanyang mga kritiko

By Ricky Brozas August 02, 2017 - 08:55 PM

Rumesbak si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa kanyang mga kritiko.

Bagaman wala siyang pinangalanan ay sinabi naman nito na may ilang mambabatas na may interes sa pagnegosyo ang siya umanong bumabatikos ngayon sa kanya.

Ito ay matapos umano niyang tanggihan ang mga pabor na hinihingi ng mga iyon sa kanya.

Sa pulong-balitaan sa kanyang tanggapan ay tahasang binuweltahan ng opisyal ang mga kongresista na pumepersonal sa kanya.

Ang ilan umano sa mga ito ay nakiusap sa kanya na maglagay ng kakilala nilang tao para sa maseselang puwesto sa kawanihan, pero ito ay hindi niya pinagbigyan lalo’t may promotions board naman na.

Naninindigan din ito na hindi siya magbibitiw sa puwesto lalo pa at hindi naman inungkat ni Pangulong Duterte ang isyu ng mga naipuslit na droga sa BOC nang ipatawag siya sa Malacañang sa gitna nang sinasagawang pagdinig sa Kongreso.

Tanging bilin aniya sa kanya ng pangulo ay ipagpatuloy ang pagpapatupad ng reporma sa Bureau upang maging episyente at epektibo.

Ipinagmalaki din ni Faeldon na sa unang taon pa lamang niya ay umabot na sa 97.3 percent ang performance ng ahensiya na humigit sa itinatakda ng lateral attrition law.

Narito ang buong report ni Ricky Brozas:

TAGS: Nicanor Faeldon, Rodrigo Duterte, Nicanor Faeldon, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.