Hindi niya pakikialaman ang iminumungkahing tax reform package bill sa Kongreso.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ginawa nitong pagpupulong kasama ang mga miyembro ng gabinete at mga lider ng Kongreso.
Sinabi ni Senador Sonny Angara, sinabihan daw sila ng pangulo na sila na ang bahala sa tax reform package bill.
Ayon naman kay Senate Majority Leader Tito Sotto, base sa pagkakabasa niya sa naganap na pagpupulong, hahayaan ng pangulo na ayusin ng Senado ang naturang panukalang batas at hindi buong pagtibayin ang bersyon na nauna nang inaprubahan sa Kongreso.
Dagdag pa nito, gusto umano ng pangulo na hindi maagrabyado ang mga umaasa sa pangako nito noong panahon ng kampanya na tatanggalin na ang income tax.
Malaking bahagi ng makokolektang dagdag na buwis ay gagamitin bilang pondo sa mga malalaking infrastructure program ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.